Sabado, Disyembre 17, 2016

               Korido          

Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido:

Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:
1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit
2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”, samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro”
3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito
Mga Halimbawa ng KoridoIbong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don Juan Teñoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
Mga Halimbawa ng Awit: Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango,  Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana

Biyernes, Disyembre 16, 2016

BUOD NG IBONG ADARNA

Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino [1]. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania [2]. May mala-epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kwento sa Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora [3]. May ilang mga kritiko[sino?] ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw.[kailangan ng sanggunian]
May isang kaharian pangalan ay berbanya na pinamumunuan ni Haring Fernando. May asawa siyang nagngangalang Reyna Valeriana at mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan na pawang nakalinya na susunod na hari ng Berbanya. Nang nagkaroon nd di malamang karamdaman ang hari, hinanap ni Don Pedro ang Ibong Adarna na ang awit lamang ang makapagpapagaling sa sakit ng hari. Narating niya ang puno ng Piedras Platas subalit hindi niya nakita ang ibon dahil siya ay naging bato. Sumonod naman ay si Don Diego, nakita niya ang Adarna subalit nakatulog sa ganda ng awit ng Adarna kaya naging bato. Maluwalhati namang nakarating si Don Juan sa tuktok ng bundok Tabor at doon ay may nakita siyang ermitanyo. Binigyan siya nito ng pagkain at ilang impormasyon tungkol sa ibong adarna pati na rin 7 dayap at isang labaha upang hindi makatulog. Nang marating niya ang puno, ginamit niya ang mga dayap at labaha. Nang mahuli niya ang adarna, tinalian niya ang paa at saka dinala sa ermitanyo at nilagay sa loob ng isang hawla. Pinabuhusan ng tubig ang dalawang kapatid at naglakad sila patungo sa Berbanya. Pinagtulungan ng dalawa si Don Juan upang masolo ang pagiging hari. Ang adarna ay malungkot ganoon din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si Don Juan. Ginamot ng isang uugod-ugod na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya. Nakita ng adarna si Don Juan at ito ay umawit at nagamot si haring Fernando. Iminungkahi ng adarna na gawing hari si Don Juan. Iniutos ng hari na ipatapon ang dalawa, ngunit dahil humiling si Don Juan na huwag na lang, ito ay ipinatigil. Pinabantay ng hari ang adarna sa tatlong magkakapatid, ngunit pinuyat ng dalawa si Don Juan kaya nakatakas ang Adarna. Pinahanap ng hari ang maysala. Nagkita-kita ang magkakapatid sa kaharian ng Armenya at hinikayat nila si Don Juan na doon na lang manirahan. May nakita silang tae sa balon at tinangka nilang marating ang ilalim nito ngunit tanging si Don Juan lang ang nagtagumpay. Namangha si Don Juan sa ganda ng ilalim ng balon at kagandahan ni Juana. Nag-ibigan ang dalawa. Napatay ni Don Juan ang higante. Paalis na sana sila nang ipasundo ni Juana kay Don Juan ang bunso niyang kapatid na si Donya Leonora. Umibig din si Don Juan kay prinsesa Leonora. Sa huli, ay napaibig din niya si Leonora. Hindi matalo ni Don Juan ang serpiyente kaya,Binigyan ni Leonora si Don Juan ng balsamo at napatay niya ang serpiyente. Sila ay umalis ng balon kasama si Juana. Naalala ni Leonora ang kanyang singsing,kaya naki usap sya kay don juan na balikan ito,ngunit nang babalikan na ito ni don juan,pinatid nang kayang dalawang kapatid ang tali.inaya na nang dalawang magkapatid si juana at leonora na sumama na sila sa kaharian ng berbanya.Nag alala si leonora kay don juan kaya pinasundan niya si Don Juan sa kanyang kaibigang lobo. Nanaginip si Haring Fernando tungkol kay Don Juan. Nalungkot ang hari nang di Makita si Don Juan. Hiniling ni Don Pedro na ipakasal na sila ni Leonora ngunit hindi pumayag si Leonora,sinabi nitong sya ay may panata na hindi muna magpapakasal saloob ng 7 taon.Sa halip, sina Don Diego't Juana ang ipinakasal. Lumakas si Don Juan nang mapahidan ng tubig mula sa ilog-hordan sa tulong ng lobo.hinanap ni don juan ang ibong adarna at natagpuan nya ito at sinabi sa kanyang kalimutan na si leonora atsa halip siya'y maglakbay patungo sa Reyno de los Cristal upang makita si Maria Blanka.Nahirapan si don juan bago marating ang kaharian ng de los Cristal.may mga tumulong sa kanya na magkakapatid na ermitanyo na may mga balbas.Hinintay ni Don Pedro si Leonora subalit si Don Juan lang ang nasa puso ng prinsesa. Sumakay si Don Juan sa isang agila ng ermitanyo patungong de los Cristal.Narinig ni don juan na may mga dalagang naghahagikhikan,hinanap niya ito.ang mga dalagang ito ay tatlong mag kakapatid,naliligo sila sa ibat ibang ilog.Ang pinaka nagustuhan ni don juan sa tatlong magkakapatid ay si princesa maria blanca.Ninakaw ni Don Juan ang kasuotan ni princesa Maria habang ito'y naliligo. Humingi ng patawad si Don Juan kay princesa Maria at di nagtagal umibig na rin si Maria ka Don Juan.Pinatuloy ni haring Salermo si Don Juan.Gusto niyang pakasalan si maria kaya ibinigay na agad ng hari ang kanyang unang pagsubok kay Don Juan. Ginamit ni princesa Maria ang kanyang mahika upang maisagawa ang pagsubok,dahil dito nagtagumpay si don juan sa unang pagsubok,palihim na natuwa si Haring Salermo kay Don Juan. Inilahad na ng hari ang kanyang ikalawang pagsubok kay Don Juan; ang pangongolekta muli ng 12 na negrito at si Maria nanaman ang gumawa nito. Pagkatapos, ibinigay na ng hari ang kanyang ikatlong pagsubok; ang paglipat ng bundok sa tapat ng bintana ng kwarto ng hari. Malamang, nagulat ang hari sa pagiging matagumpay ni Don Juan. Tinawanan lamang ni Donya Maria ang ika-apat na pagsubok. Hinayaan lamang Maria na matulog si Don Juan habang ginagawa niya ang pagsubok. Nawala ang singsing ng hari sa pagkakatalsik nito sa dagat nang siya ay nasa muog na ipinatayo niya kay Don Juan. Hiniling naman ng hari na ibalik ang bundok sa dating puwesto at patagin bilang ika-limang pagsubok na nagawa naman ni Donya Maria ng maayos. Kinailangan namang tadtarin pa ni Don Juan si Maria upang mahanap ang nawawalang singsing ng hari na naging dahilan ng pagkaputol ng kanyang daliri na nakapaloob sa ika-anim na pagsubok ng hari. Hiniling ng hari kay Don Juan na paamuhin ang mailap at ubod ng samang kabayo ng hari bilang huling pagsubok. Napaamo naman ni Don Juan ang kabayo sa tulong ng mga tagubilin ni Donya Maria. Nang mapili ni Don Juan si Maria,hindi pa rin pumayag si haring salermo na ipakasal si don juan sa kanyang anak kaya nagtanan ang dalawang magkasintahan. Sa sobrang pagkalungkot ng hari ito ay namatay. Bumalik si Don Juan sa kaharian ng Berbanya at nagsaya ang buong kaharian.Hiniling niya sa hari na magpaksal sila ni leonora. Nagpunta si Maria sa Berbanya ngunit hindi siya nakilala ni Don Juan. Nagsagawa ng pagtatanghal si Maria patungkol sa mga pangyayari at pagsubok nilang dalawa ni Don Juan,at naalala na niya na ang mahal nya ay si maria blanca.Nagpakasal sina Maria blanca at Don Juan bumalik sila sa Reyno de los Cristal at namuno.Si Leon naman at si Don Pedro ang nagkatuluyan. Nakapahilis na panitik'''Nakapahilis na panitik''

PANITIKAN

                                        PANITIKAN                       Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana.                                                                               1. TULUYAN o PROSA nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.

2. PATULA nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong.                                      Halimbawa ng Tuluyan o Prosa:                                                                                                            ANG ALAMAT NG SAGING
ANG ALAMAT NG SAGING

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.
Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.
Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.

"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.                                                                                                                       Halimbawa ng PATULA:                                                                                                Si Matandang Simeon
ni: Tess C. Alikapala

Gumising sa umaga,
Nag-inat-inat muna,
Nagpatulak ng sigla,
Sa kapeng walang lasa.

Magpapawis maghapon
Itong si Tandang Simeon,
Siya ay isang piyon,
Sa isang konstruksyon.

Kanina’y nagbaon
Ng kanin sa dahon,
Ulam na talong,
Wala man lang bagoong.

Nagmeryenda siya
Ng buntunghininga,
Walang laman ang bulsa
Kahit na barya.

Nilunok ang laway,
At saka dumighay,
Dagling nanlupaypay,
Sa lasa’y naumay

Palad na makalyo,
Ipinahid sa noo,
Upang matuyo
Ang pawis at dugo!

Kahit ang daliri
Nginig na madali
Pinilit ngumiti,
At gumawang mabusisi.

Sa oras ng uwian,
Paghudyat ng orasan,
Naglalakad lamang,
Pauwi sa tahanan.

Mata’y ipinikit,
Nagdasal ng saglit,
Pagal na sa lupit,
Sa abang sinapit!

Sasalubong ang anak
At ang kabiyak,
Ngingiti siya sa galak
At saka hahalakhak!

At napapawi na 
Ang pagod at dusa
Galak ang pamilya
Karugtong ng hinga.

Kakayanin ang buhay
Sarili ang alay
Pamilya ang saklay,
Saksing kaagapay.

At sa kinabukasan
Muling ipapasan
Mga krus sa daan
Sa lubak ng bayan.

Ipupuhunan na naman
Ang mga buto at laman
Upang may mailaman
Sa kalam na tiyan!

TAGLISH

                                                                        Taglish                                       Taglish: Hanggang Saan?
Bienvenido Lumbera
May nagtanong kung ang paggamit ng Taglish sa kolum na ito ay recognition on my part na tinaggap kong maaaring gawing basis ng wikang “Filipino” and Taglish. Ngayon pa man ay nililinaw ko nang hindi lengguwahe and Taglish. Ito ay isa lamang convenient vehicle para maabot sa kasalukuyan an isang articulate sector ng ating lipunan na unti-unting nagsisikap gumamit ng Pilipino.
Importnanteng makita nang sinumang gumagamit ng Taglish na limited and gamit nito. Dahil sa binubuo ito ng mga salitang galling sa dalawang wikang not of the same family, makitid ang range of expressiveness nito. Ang sensibiliteng ni-reflect nito ay pag-aari ng isang maliit na segment ng ating lupinan, at ang karanasang karaniwang nilalaman nito ay may pagka-superficial.
Isang makatang malimit banggitin kapag pinag-uusapan ang paggamit sa taglish ay si Rolando S. Tinio. Sa kanyang koleksyon ng tulang tinawag na Sitsit sa Kuliglig, may ilang mga tula na pinaghalong English na sulatin. Effective lamang ang Taglish, gaya ng pinatutunayan na rin ng mga tula ni Tinio, kapag Americanized intellectual and speaker, at ang tone ng tula ay medyo tongue-in-check or sarcastic. At kahit na sa ranks ng Americanized Filipino intellectual, and profounder aspects of cultural alienation ay hindi kayang lamanin nang buong-buo ng Taglish.
Better described marahil and Taglish as a “manner of expression.” Ibig sabihin, sa mga informal occasions, mas natural sa isang English-speaking Filipino na sa Taglish magsalita. Sa light conversation, halimbawa. Pero para sa mga okasyong nangangailangan ng sustained thought, Taglish simply won’t do. Walang predictive patterns and paghahalo ng vocabulary at syntax ng dalawang lengguwaheng magkaiba ng pamilya. Dahil dito, maraming stylistic and logical gaps na nag-iinterfere sa pag-uunawaan ng manunulat at mambabasa.
Kailangan sa Taglish ang spontaneaous interactionng nagsasalita at ng nakikinig. Sa pamamagitan ng physical gestures, facial expressions, o tonal inflection, nagagawa ang filling-in na siyang remedyo sa mga stylistic at logical gaps. Maaari naming sa pagtatanong linawin ng nakikinig ang anumang ambiguity sa sinasabi ng kausap.
Sumakatuwid, ang pagsusulat sa Taglish, cannot be a permanent arrangement. Kung talagang nais ng manunulat na magcommunicate sa nakararaming mambabasa, haharapin niya ang pagpapahusay sa kanyang command ng Pilipino. Para sa manunulat, isang transitional “language” lamang ang Taglish. Kung tunay na nirerecognize niya na napakaliit at lalo pang lumiit ang audience for English writing, hindi siya makapananatiling Taglish lamang ang kanyang ginagamit. Maliit pa rin ang audience na nakauunawa sa Taglish pagkat nagdedemand ito ng adequate control of English. Magbalik sa English. O tuluyang lumapit sa Pilipino. Ito ang alternatives para sa Taglish users ngayon na hangad pa ring magpatuloy sa pagsusulat.

Huwebes, Disyembre 15, 2016

                                                                           T.A #4                                  1.Ano ang panitikan?                                                                          2.Isang sanhi ang mga elemento ng tula.                                          3.Humanap ng isang halimbawa ng tula at idikit o isulat sa  kwaderno.                                                                                            Sagot:                                                                                                  1.Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan  at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.   Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.       Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula n may dalawa o maraming linya o taludtod.                                                                                                                                                   Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salitang bawat taludtd ay magkasing tunog.                                                                                                                     Karitan - Kailangang magtaglay ang isang tula na maririkit na salita upang masiyahan ng mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilinan.                                                                       Talinhaga - Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng tula.                           3.Bumaon sa tao,
Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko,
Na plantsado pati kwelyo.
Sa eleksyon lang nakita,
Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kaniyang malamig na kuta.
Tahimik sa buong taon
Maingay sa eleksyon
Parang naghahamon
Wala kasing laman ang garapon.
Ang bulsa ng pagkatao
Ng hayop sa Kongreso,
Ay nakadeposito
Sa bituka ng bangko.
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Kalat-kalat kasi.
Bundat ang bulsikot
Sa pangungurakot,
Ang kaban: sinimot.
Sinaid pati ipot.
Tuso si Hudas
Planado ang lahat
Walang mga pekas
Kahit isang bakas.
Ang hahatol ay bulag
Bingi ang katulad
Kaya nakaligtas
Ang lider na huwad.
Kailan ititigil ni Juan
Ang pakikipagbolahan
Sa bingo ng gahaman
At roleta ng kasakiman?
                                                                   T.A #3                                     1.Isulat ang elemento ng maikling kwento.                                       

1.Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.

2. TAGPUAN/PANAHON 
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan

4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.

5.KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.

6. KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.

7. WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.

                                                                        T.A #2                                   1.Basahin nag mabaing na lungsod at pag-aralan ni Efren Abweg.   2.Humanda sa unang pagsusulit sa Martes.                                         1.Isulat ang buod ng "Mabaigis na Lungsod".                                     2.Ano ang tinutukoy na "Mabaings na Lungsod".                               3.Bakit nilalayuan ni Adong si Bruno?                                               4.Anong nangyari kay Adong ng maabutan siya ni Bruno?                Sagot:                                                                                                 1.Ang gabi sa kalupaan ay ukol sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kaharian ay hinahanap ng mabango na liwanag ng mga ilaw. 2.Isang batang lansangan na namumuhay sa paglilimos.                 3.Dahil sa takot                                                                                 4. Hinili siya sa braso at hinambalos siya ni Bruno na malupit na braso.

                                                                  T.A #1                                      1.Basahin at pag-aralan ang "NEMO" ang batang papel         2.Ano ang hiniling ni Nemo sa bituwin? Bakit?                   3.Bakit hindi naging masaya si Nemo nang matupad ang            kaniyang kahilingan?                                                     4.Bumuo ng kaisipan o aral sa kwento                                 Sagot:                                                                        1.Maging isang bata dahil gusto niyang maging isang batang  masayahin.                                                                    2.Dahil nalaman niya ang hirap ng tao sa kabuhayan.                   3.Natutunan ko kung paano maging isang mahirap na tao.

                                 PAGSASANAY #1                 # Magtitiis ako dahil sa aking pagaaral                                 #Magbabago ako upang makabawi ako sa aking magulang                 #Hindi ako susuko dahil para patupad ang aking pangarap 

MGA TAUHAN SA IBONG ADARNA

                                       

Mga Tauhan sa Ibong Adarna

Ito ang mga tauhan sa Ibong Adarna
Bagong tauhan sa Kabanata 1
Birheng Maria
Siya ang pinagdasalan ng manunulat sa simula para magiging mabuti ang sinulat niyang korido.


Bagong tauhan sa Kabanata 2
Don Fernando
Si Don Fernando ay ang hari ng Berbanya. Siya ay ang asawa ni Donya Valeriana at ang ama ni Don Pedro, Don Diego at si Don Juan. Kinalala ng ibang tao na siya ay isang maginoo.
Donya Valeriana
Si Donya Valeriana ay ang asawa ni Don Fernando. Kinala ng ibang tao na siya ay mabait at maganda.
Don Pedro
Si Don Pedro ay ang panganay ni Don Fernando at Donya Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakamacho ang katawan at kaiman ang postura.
Don Diego
Siya ang pangalawang anak ni Don Fernando at Donya Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakatahamik. Lagi siyang sumusunod sa mga utos ni Don Pedro.
Don Juan
Si Don Juan ang bunso ni Don Fernando at ni Donya Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakamahal ni Don Fernando dahil siya ay puno ng kabaitan. Mahal na mahal rin ni Don Juan ang mga kapatid niya.
Ang Manggagamot
Siya ay nanggamot kay Don Fernando. Sinabi niya na ang Ibong Adarna ang gamot sa sakit niya.


Bagong tauhan sa Kabanata 6
Ang Leproso
Siya ay dinaanan ni Don Juan upang humingi ng pagkain. Isa siyang tao na may sakit na tinatawag na lerprosyo.
Ermitanyo
Isa siyang tao na naninirahan sa bundok. Tumulong siya kay Don Juan upang hulihin ang Ibong Adarna.

Bagong tauhan sa Kabanata 9
Ang matanda
Pinahiran ng matanda ng gamot ang sugat ni Don Juan pagkatapos nang marinig ng matanda ang dasal ni Don Juan. Masasabi mo  na isa siyang “Good Samaritan” dahil sa ginawa niya.

Bagong tauhan sa Kabanata 14
Donya Juana
Siya ay isang magandang princesa sa Armenya.  Humahanga ang prinsipe sa kanyang kagandahan
Higante
Siya ay isang dambuhala na nagbabantay kay Donya Juana.

Bagong tauhan sa Kabanata 15
Leonora
Katulad ni Donya Juana, siya ay isang magandang princesa sa Armenya.  Siya ang kapatid ni Donya Juana.
Pitong Ulo serpyente
Siya ay isang serpyente na  may pitong ulo. Kapag pinatulan mo ang isa, matutubo muli ang ulo. Nagbabantay siya kay Leonora.

Bagong tauhan sa Kabanata 19
Ang  Unang Ermitanyo
Siya ay tinanong ni Don Juan upang makarating siya sa Reyno De Los Cristales.

Bagong tauhan sa Kabanata 21
Pangalawang Ermitanyo
Siya ay tinukoy ng unang ermitanyo na puntahin. Binigyan nito ng isang pirasong tela kay Don Juan para mabigay nito sa tatlong ermitanyo.
Tatlong Ermitanyo
Siya ang binigyan ng pirasong tela mula sa pangalawang ermitanyo.Sa pagbigay nito, tinanong ni Don Juan kung saan yung Reyno De Los Cristal. Siya ang kapatid ng pangalawang Ermitanyo


Bagong tauhan sa Kabanata 22
Donya Maria
Siya ay isang magandang princesa sa Reyno De Los Cristales. Gumagamit siya ng puting majika. Siya ang tinukoy ng Ibong Adarna kay Don Juan.

Bagong tauhan sa Kabanata 23
Haring Salermo
Siya ang ama ni Donya Maria. Gumagamit siya ng itim mahika